^

PM Sports

Binan umiskor sa JT sa PSL

Pang-masa

MANILA, Philippines — Pinatumba ng Binan ang JT Taipan Bulacan, 64-48, sa Pilipinas Super League sa Central Recreation and Fitness Center sa Quezon City.

Ginawang motibas­yon ng Binan ang pagkakasibak kay veteran star forward Marc Pingris sa first half para sa kanilang panalo.

Pinatalsik si Pingris sa gitna ng second period matapos maaksidenteng masiko sa mukha si Itchie Altamirano ng JT.

Nagresulta ito sa disqualifying foul at automa­tic ejection kay Pingris sa ilalim ng FIBA rules.

Kaagad namang hu­mi­ngi ng paumanhin ang many-time All-Defensive Team member kay Alta­mirano.

Umiskor si Jimboy Es­trada ng 15 points para sa Binan, habang nag­lista si KG Canaleta ng 9 points at 9 rebounds.

Samantala, sumandal ang Caloocan kina Gabby Espinas at Reil Cervantes para akayin ang Supremos sa 82-74 paggupo sa Cam Norte.

Tumapos si Espinas na may 10 points at 11 boards para sa Caloocan, habang nagdagdag si Cervantes ng 13 markers.

FITNESS CENTER

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with