^

PM Sports

Creamline mapapalaban sa F2

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Puntirya ng defending champion Creamline na masungkit ang ikaanim na sunod na panalo laban sa mapanganib na F2 Logistics sa pagpapatuloy ng Premier Volleyball League (PVL) Second All-Filipino Conference ngayon sa Smart Araneta Coliseum.

Nakatakda ang engkuwentro ng Cool Smashers at Cargo Movers sa alas-6 ng gabi matapos ang duwelo ng Farm Fresh at Gerflor sa alas-2 ng hapon at ng Akari at Nxled sa alas-4.

Nasa solong pamumuno ang Cool Smashers sa standings tangan ang malinis na 5-0 rekord — ang bukod tanging team na walang talo sa kumperensiyang ito.

Umaasa si Creamline coach Sherwin Meneses na maipagpapatuloy ng kanyang bataan ang matikas na ratsada nito.

“This kind of game is very important. Kyle got the experience playing a 5-setter, she played the whole game so this kind of game is very important for us experience-wise,” ani Meneses.

Magiging malaki ang papel ng bench players na sina Bernadette Pons, Lorie Bernardo at Risa Sato para makatulong sa kanilang starters.

Ipaparada ng Creamline sina Michele Gumabao, Tots Carlos at Jema Galanza kasama sina skipper Alyssa Valdez at playmaker Kyle Negrito.

Nakasakay naman ang Cargo Movers sa 4-2 marka sa kabila ng kaliwa’t kanang injuries na tinamo ng kanilang tropa.

Sasandalan ng Cargo Movers sina Ivy Lacsina at veterans Aby Maraño, Ara Galang at middle Majoy Baron katuwang ang mga bagitong players na sina Jolina dela Cruz, Jovelyn Fernandez at playmaker Mars Alba. 

F2 LOGISTICS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with