Durant hataw ng 41 pts sa panalo ng Suns
DETROIT — Humataw si Kevin Durant ng season-high 41 points para tulungan ang Phoenix Suns na tapusin ang three-game losing skid mula sa 120-106 panalo sa Pistons.
Muling naglaro ang Phoenix (3-4) na wala sina injured starters Devin Booker (calf) at Bradley Beal (back).
Nagdagdag si Eric Gordon ng 21 points habang may 14 at 10 markers sina Grayson Allen at Josh Okogie, ayon sa pagkakasunod.
Pinamunuan ni Cade Cunningham ang Detroit (2-5), nahulog sa ikaapat na sunod na kamalasan, sa kanyang 26 points at 6 assists.
Umiskor si Gordon ng 11 points sa second quarter para sa 58-49 halftime lead ng Suns bago humataw si Durant ng 18 points sa third period para sa kanilang 12-point advantage sa Pistons papasok sa final canto.
Sa San Antonio, kumamada si Scottie Barnes ng 17 sa kanyang 30 points sa fourth quarter para igiya ang Toronto Raptors (3-4) sa pagbangon mula sa 22-point deficit at talunin ang Spurs (3-3) via overtime, 123-116.
Sa Toronto tinapos ang two-game winning streak ng San Antonio.
Sa Cleveland, nagpaputok si Donovan Mitchell ng 31 points sa 115-104 paggiba ng Cavaliers (3-4) sa Golden State Warriors (5-2).
Sa Dallas, kumolekta si Luka Doncic ng 23 points, 12 rebounds at 9 assists para sa 124-118 tagumpay ng Mavericks (5-1) sa Charlotte Hornets (2-4).
- Latest