^

PM Sports

Ganapin handa na sa Asian Para Games

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Handang handa na si taekwondo jin Alain Ganapin na makipagsabayan upang makapag-uwi ng gintong medalya sa 4th Asian Para Games na gaganapin sa Hangzhou, China.

Pormal nang magbubukas sa linggo ang Asian Para Games.

At desidido si Ganapin na makahirit ng medalya dahil ito ang magiging daan nito para makasikwat ng tiket sa Paris Paralympics sa susunod na taon.

Bigo si Ganapin na makalahok sa Tokyo Pa­ralympic Games noong 2021 matapos magkaroon ng Covid-19 ilang araw bago ito tumulak sa Japan.

“Hindi biro po yung pinagdaanan po namin, especially dahil nung nangyari sa Tokyo na na-miss po namin. Kaya na­ging emosyonal po ako ng manalo sa qualifying sa Asian Para Games,” ani Ganapin.

Kaya naman nais ni Ganapin na rumesbak sa pagkakataong ito.

Nagkampeon si Ganapin sa men’s -70-kilogram division ng Asian Para Games Qualification Tournament na ginanap sa Sharjah, United Arab Emirates.

Pukpukan ang ensayo ni Ganapin sa Philippine Taekwondo Association Central Gym sa Rizal Memorial Sports Complex kasama si coach Gershon Bautista.

 Kamakailan lamang sumipa si Ganapin ng tanso sa Australian Open na Olympic ranking qualifying competition.

ASIAN PARA GAMES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with