Marcial babawi sa Paris Games

MANILA, Philippines — Handa si Eumir Marcial na ibuhos ang lahat para maibulsa ang gintong medalya sa Paris Olympics.
Hangad ni Marcial na gawing motibasyon ang pagkatalo nito sa finals ng 19th Asian Games upang mas maging inspirado sa labang haharapin nito sa Paris Olympics.
Nagkasya lamang sa pilak na medalya si Marcial matapos matalo sa gold-medal match ng men’s 80kg class laban kay Tuohetaerbieke Tanglatihan ng host China.
Ilang eksperto ang nagsabi na base sa laban, nakuha ni Marcial ang round one at round three para sana masiguro ang gintong medalya.
Ngunit ayaw na ni Marcial na isipin pa ito.
Kailangang mabilis na maka-move on upang pagtuunan ng pansin ang mas malaking laban na haharapin nito sa Paris Olympics.
“A lot of people say that the decision was rigged and I got cheated. I’m going to use this as a motivation to train harder because had I knocked him out, had I really beaten him up, there would have not been any questions and there would have not been any chance of me getting cheated,” ani Marcial.
Tanggap na ni Marcial ang desisyon ng mga hurado at inirerespeto nito ang naging resulta ng laban.
Sa halip, gagawin na lamang itong motibasyon ni Marcial.
“I’m going to take this as a motivation for my training for my next fights and for the Olympics. I accepted the judges’ decision. I respect the result,” ani Marcial.
Sa ngayon, dalawang professional fights sa Amerika ang paghahandaan ni Marcial.
Matapos ang dalawang laban, babalik ito sa national team para naman sa preparasyon para sa Paris Olympics.
- Latest





















