Mayamang harvest sa Paris?

Hagip ang mithiing at least mapantayan sa Hangzhou ang four-gold haul ng Team Philippines sa Jakarta/Palembang Asian Games noong 2018.
Ang feeling pa nga ni Philippine Olympic Committee president Bambol Tolentino eh nalagpasan nila ito dahil kumbinsido siyang lutong Macao ang pagkatalo ni boxer Eumir Marcial sa Chinese rival sa kanilang gold-medal bout.
At naging super special ang four-gold harvest sa Hangzhou dahil kasama dito ang pinakamimithing top finish sa men’s basketball.
At ngayon eh, lilipat na ang atensyon sa 2024 Paris Olympics.
Siyempre, mithiin din at least matapatan ang medal haul noong nakaraang Olimpiyada sa Tokyo noong 2021 — one gold, two silvers at one bronze.
Kakayanin kaya?
Sa ngayon eh, apat pa lang ang sure ball na magsusuot ng national tri-colors sa Paris — sina Marcial, pole vaulter EJ Obiena at gymnasts Caloy Yulo at Aleah Finnegan.
Pero malamang na may papasok na weightlifters at maaari ring may madagdag mula sa hanay ng boxing at taekwondo.
At siyempre, nariyan ang automatics slots mula sa athletics at swimming.
Maaaring hinog na si Obiena para maka-medal sa Olympics. At sana maka-recover si Yulo at makuha ang dating galing pagdating sa Paris Games proper. Hindi puwedeng tawaran ang galing ng mga boxers at ganoon din ang fighting spirit ni weightlifter Hidilyn Diaz.
Mukhang posible ang isa pang multi-medal harvest sa Paris.
- Latest





















