^

PM Sports

Brown bigong makapasok sa semis

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines — Hindi rin nakapasok si Robyn Brown sa se­mi­finals ng women’s 400-meter hurdles sa 2023 World Athletics Championships sa Budapest, Hungary.

Tumapos ang Fil-American hurdler sa pang-pitong puwesto sa wa­long partisipante sa kan­yang oras na 56.83 se­gundo sa heats.

Tanging apat na runners lamang ang aabante sa semis sa grupo ni Brown.

Ito ay sina Jamaican Ja­nieve Russell (54.53 segundo), American Anna Cockrell (54.68 se­gundo), Panamanian Gianna Woodruff (56.31 segundo) at Canadaian Sa­vannah Sutherland (55.85 segundo).

Hindi rin nakuha ni Brown ang 54.85-se­cond re­quirement para sa au­to­matic berth sa 2024 Olympic Games sa Paris, France.

Sa kabuuan ay laglag ang reigning Asian champion na si Brown sa No. 35 sa hanay ng 41 runners na pinamunuan ni Femke Bol ng Netherlands sa kanyang best time na 53.39 segundo.

Nauna nang minalas si Eric Cray, ang six-time Southeast Asian Gmes men’s 400-meter hurdles champion, sa kanyang event.

Nagtapos ang 34-an­yos na si Cray sa seventh place sa heats sa kanyang tiyempong 50.27 se­gundo.

Bigo si Cray na makuha ang 48.70-second requirement para sa outright Olympic spot.

WORLD ATHLETICS CHAMPIONSHIPS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with