PSL tuloy sa grassroots program
MANILA, Philippines — Tuloy ang grassroots development program ng Philippine Swimming League (PSL) sa pagdaraos nito ng Rebuilding Champions Class ABC and Novice Meet Swim Series ngayong araw sa Diliman Preparatory School swimming pool sa Quezon City.
Sinabi ni PSL President Alex Papa na magandang pagkakataon ito para sa mga batang swimmers na ipamalas ang kanilang galing at lalo pang mahasa para sa mga susunod na kumpetisyong lalahukan nito.
“It’s a good venue for them to showcase their skills since we are also selecting swimmers who will represent our country in future international competitions,” ani Papa.
Pararangalan ng medalya ang tatlong mangunguna sa bawat age band habang nakaabang naman ang tropeo para sa mga tatanghaling Most Outstanding Swimmer sa bawat dibisyon.
Ang PSL ay galing sa matagumpay na pagtataguyod ng unang edisyon ng Rebuilding Champions Class ABC and Novice Meet Swim Series.
Ilang swimmers ang nadiskubre ng asosasyon na huhubugin para sa mga susunod na international competitions.
“It is our goal to identify talents through grassroots development program. After identifying talents, we are bringing them into the next level which is to compete internationally,” dagdag ni Papa.
Pinag-aaralan na ng PSL kung anu-anong mga international tournaments ang lalahukan nito gaya ng mga kumpetisyon sa Singapore, Thailand, Hong Kong, Japan at maging sa Amerika.
- Latest