Juan GDL pumirma sa Seoul SK Knights
MANILA, Philippines — Panibagong hamon ang haharapin ni Juan Gomez de Liaño dahil lilipad ito patungong South Korea.
Pormal nang pumirma ng kontrata sa Seoul SK Knights si Gomez de Liaño para masilayan sa aksyon sa Korean Basketball League.
Inihayag ng SK Knights ang pagkuha nito sa serbisyo ng dating University of the Philippines Fighting Maroons standout kahapon sa kanilang social media accounts.
Kinumpirma naman ito ni Gomez de Liaño sa kanyang sariling Facebook account.
“See y’all in Korea!” anang 23-anyos Pinoy cager.
Malakas ang SK Knights dahil galing ito sa finals appearance sa huling season ng KBL.
Kaya naman masaya si Gomez de Liaño na maging bahagi ng isang winning team na isa sa malakas na tropa sa liga.
“I’m happy to be part of this team,” ani GDL.
Malaki ang tiwala ng mga South Korean teams sa Pinoy players.
Nasa KBL din si Rhenz Abando na bahagi ng champion team na Anyang sa KBL.
Huling naglaro si Gomez de Liaño para sa Lithuanian team na BC Wolves sa 2022-23 Lithuanian Basketball League season.
- Latest