^

PM Sports

Buhain isa sa mga nahalal na regional representatives ng PSI

Pang-masa
Buhain isa sa mga nahalal na regional representatives ng PSI
Eric Bu­hain
STAR / File

MANILA, Philippines — Pinamunuan ni two-time Olympian at Batangas 1st District Rep. Eric Bu­hain ang 18 pang iniluklok na regional representatives sa Philippine Swimming, Inc (PSI).

Sa ilalim ng pamamahala ng World Aquatics-backed Electoral Committee na pinamunuan ni Philippine Olympic Committee (POC) secre­tary-general Atty. Edwin Gastanes, ang 19 ki­natawan ng iba’t ibang rehiyon ay inihalal ng mga swimming clubs at associations mula sa kani-kanilang mga rehiyon sa isang serye ng hybrid zoom assembly na nagtapos noong Huwebes.

“Ilang lap na lang at ta­gumpay na ito para sa Philippine swimming at tiyak ang magandang ki­nabukasan para sa ating mga mahuhusay na Filipi­no swimmers,” sabi ni Bu­hain pangulo rin ng Congress of Philippine Aquatics, Inc (COPA).

Naihalal si Buhain bilang kinatawan ng Region 4A (CALABARZON) at posibleng mapabilang sa binubuong PSI Board of Trustees.

Itinakda ng Electo­ral Committee ang PSI National Congress at BoT election sa Hunyo 8 isang linggong mas ma­aga mula sa naunang ini­hayag na iskedyul batay sa napagkasunduan ng 19 kinatawan.

Ang mga mahahalal na miyembro ng BoT ay magsasagawa ng hala­lan mula sa kanilang mga sa­rili para piliin ang ba­gong pangulo ng national swimming body.

Bukod kay Buhain, ang iba pang mga naibotong re­gional representatives ay sina Cecile ‘Bing’ Do­romal (Region 4B); Bing Rosales (Region 5); Cris Bancal (Region 6); Jess Arriola (Region 7); Rex Dela Cruz (Region 8); Gib Sing Wong (Region 9); Leo Sanchez (BARMM); Angel Leo­nardo (Region 10); Jun Rodriguez (Region 11); Michael Talosig (Region 12); Willie Yu (CARAGA); Coach Emmanuel (CAR); Isagani Corpuz (Region 1); Elmer Corpuz (Region 2); Biboy Astu­rias (Region 3), Michael Vargas at Fred Galang Ancheta (National Capital Region) at Marie Dimanche (Sectoral Representative).

vuukle comment

PSI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with