^

PM Sports

Ilang Commissioner’s Cup games gagawin sa Macau

John Bryan Ulanday - Pang-masa
Ilang Commissioner’s Cup games gagawin sa Macau
Ayon kay PBA Board of Governors chairman Ricky Vargas ng TNT Tro­pang Giga, hiniling ng Ma­cau-based team na makalaban ang mga PBA teams sa kanilang homecourt matapos sumalang sa nakaraang 2022 PBA Commissioner’s Cup.
STAR / File

MANILA, Philippines — Kasabay ng pagbabalik ng guest team na Bay Area Dragons sa PBA ay ang pagdaraos ng ilang 2023 Commissio­ners’ Cup games sa Macau.

Ayon kay PBA Board of Governors chairman Ricky Vargas ng TNT Tro­pang Giga, hiniling ng Ma­cau-based team na makalaban ang mga PBA teams sa kanilang homecourt matapos sumalang sa nakaraang 2022 PBA Commissioner’s Cup.

Hindi pa ito pinal ayon kay PBA Commissioner Willie Marcial subalit ma­aari itoong matuloy tampok ang anim na PBA teams.

Magkakaroon ng laro ang Bay Area kontra sa mga PBA teams na idara­os kada Sabado sa Macau tulad ng PBA out-of-town games sa iba’t ibang panig ng bansa.

Nauna nang inihayag ng PBA ang pagbabalik ng Bay Area sa gabay ni coach Brian Goorjian sa ikalawang sunod na conference matapos ang makasaysayang stint bilang guest team.

Umabot sa 2022 Commissioner’s Cup Finals ang Dragons subalit ki­na­pos sa nagkampeong Barangay Ginebra sa Game Seven, 114-99, sa harap ng 54, 589 fans sa Philippine Arena bilang bagong PBA record.

Ipinarada ng Dragons ang dalawang imports na sina Myles Powell at Andrew Nicholson su­ba­lit inaasahang sasandal na lang kay Ni­cholson ayon sa one-import na may height limit na 6-foot-9 sa Commissioner’s Cup.

Taliwas sa tradisyon ay unang isasalang ng PBA ang Commissioner’s Cup imbes na ang centerpiece na Philippine Cup upang buksan ang Season 48 sa Oktubre pagkatapos ng 2023 FIBA World Cup at Asian Games.

Ito ay para makatulong sa kampanya ng Commissioner’s Cup champion Ginebra at Go­vernors’ Cup champion ng TNT sa East Asia Super League (EASL) tampok ang tig-dalawang imports sa Oktubre rin bilang kinatawan ng Pilipinas.

Naglaro ang San Mi­guel at runner-up TNT sa nakaraang EASL Cham­pions Week.

MACAU

PBA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with