^

PM Sports

Mangrobang reyna sa duathlon

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Matagumpay na nai­pagtanggol ni Kim Mangrobang ang kampeonato nito sa women’s duathlon kahapon sa 32nd Southeast Asian Games na ginaganap sa Phnom Pehn, Cambodia.

Nagsumite si Mangrobang ng isang oras, apat na minuto at 25.3 segundo para masiguro ang gintong medalya sa duathlon.

Hindi ininda ni Mangrobang ang tindi ng init.

Bahagyang bumagal si Mangrobang sa 5km run subalit umariba agad ito sa 20km bike leg na naging matikas na pundasyon nito para makuha ang panalo.

Pinatumba ni Mangrobang si Thi Phuong Trinh Nguyen ng Vietnam na nagkasya sa pilak bitbit ang 1:05:13.50 habang pumangatlo naman si Maharani Azhri Wahyuningt ng Indonesia sa 1:06:17.40.

Ito ang ikalawang gintong medalya ni Mangrobang sa duathlon.

Target ni Mangrobang na humirit pa ng karagdagang ginto sa pagsabak nito sa triathlon event na aarangkada ngayong araw.

 Nagkasiguro rin si Cebuano Andrew Kim Remolino ng pilak sa men’s aquathlon.

KIM MANGROBANG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with