^

PM Sports

CSB, Lyceum unahang makalapit sa titulo

Rusell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines — Hirap na hirap na itinakas ng College of Saint Benilde ang five-set win laban sa Lyceum of the Philippines University sa una nilang pagkikita noong Marso 4.

Ayon kay Season 97 Finals MVP Gayle Pascual ng Lady Blazers, hindi na nila pagbibigyan ang Lady Pirates lalo na sa NCAA women’s volleyball cham­pionship series.

“Kailangan namin like gawin iyong trabaho namin kasi nga ginusto talaga namin iyong fifth set iyon. Pinabayaan namin na mag-fifth set kami,” ani Pascual.

Sasagupain ng St. Benilde ang Lyceum ngayong alas-2 ng hapon sa Game One ng kanilang best-of-three title duel sa Filoil EcoOil Centre sa San Juan City.

Sa alas-12 ng tanghali naman magtutuos ang three-peat seeking na University of Perpetual System Dalta at San Beda sa men’s championship war.

Tinakasan ng CSB ang Lyceum, 22-25, 25-16, 16-25, 25-13, 15-9, sa una nilang pagkikita sa eliminasyon.

Hindi pa natatalo ang St. Benilde sa 27 nilang laban sapul noong 2020 tampok ang nine-match sweep sa elims ngayong season papasok sa NCAA Finals.

Gumawa naman ng kasaysayan ang Lyceum nang umabante sa una nilang NCAA championship series matapos lumahok sa liga noong 2011.

Samantala, dadalawa­han ng Altas ang Red Spikers matapos kunin ang 20-25, 25-23, 25-17, 25-16 panalo sa una nilang pagkikita noong Marso 10.

vuukle comment

NCAA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with