^

PM Sports

Team Lakay nilayasan nina Folayang

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isa-isang sumibat ang mga batikang fighters sa pangunguna ni Eduard “The Landslide” Folayang mula sa Team Lakay sa pambihirang development sa Philippine MMA.

Unang nagpaalam si Folayang kamakalawa bago sundan kahapon ng mga kapwa niyang bete­rano na sina Kevin “The Silencer” Belingon at Ho­norio “The Rock” Banario matapos ang dekadang pananatili sa Baguio City-based MMA stable.

Sa Team Lakay, sa i­lalim ni coach at trainer Mark Sangiao, sinimulan ng tatlong MMA legends ang kanilang karera tungo sa pag-ukit ng pangalan sa international stage tampok ang kampeonato sa ONE Championship.

Ang 33-anyos na si Banario ang unang MMA world champion ng Pilipi­nas noong 2013 nang ha­­wakan ang inaugural featherweight title ng ONE Championship habang dati ring ONE bantamweight king ang 35-anyos na si Belingon.

Ang 39-anyos na si Folayang ang pinaka-prominente at batikang fighter ng Team Lakay na naging two-time lightweight champion sa ONE Championship bilang pinakamalaking MMA promotion sa Asya.

Bagama’t walang inilabas na sariling pahayag, posibleng wala na rin sa Team Lakay ang dating ONE strawweight champion na si Joshua “The Passion” Pacio.

Sa ngayon, tanging ang 33-anyos na si Geje “Gra­vity” Sangiao na lang ang batikang fighter ng Team Lakay na sa isang punto ay humawak ng apat na korona sa ONE tampok sina Eustaquio (flyweight), Belingon (bantamweight), Pacio (strawweight) at Folayang (lightweight).

Wala pang pahayag ang mga umalis na figh­ters kung saang kampo sila susunod na lilipat para sa misyong mabawi ang kani-kanilang korona sa ONE Championship.

EDUARD FOLAYANG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with