^

PM Sports

Finals seat ibinulsa ng Tropang Giga

Rusell Cadayona - Pang-masa
Finals seat ibinulsa ng Tropang Giga
Iniwasan ni TNT point guard Mikey Williams sina Chris Newsome at Raymond Almazan ng Meralco sa Game Four ng PBA semis.
Kuha ni Jun Mendoza

MANILA, Philippines — Tuluyan nang naplantsa ang championship showdown ng nagdedepensang Barangay Ginebra at TNT Tropang Giga.

Pinatalsik ng Tropang Giga ang Meralco Bolts, 107-92, sa Game Four ng ka­nilang semifinals series pa­tungo sa 2023 PBA Go­vernors’ Cup Finals ka­­hapon sa Smart Araneta Coliseum.

Nagsalansan si import Rondae Hollis-Jefferson ng 42 points at 11 rebounds, habang may 21 mar­kers si Calvin Oftana kasama ang limang triples para sa 3-1 pagtiklop ng TNT sa kanilang best-of-five semis duel ng Me­ralco.

Nauna nang kinumpleto ng Ginebra ang 3-0 sweep sa San Miguel sa sa­rili nilang semis wars.

Nakatakda ang Game One ng best-of-seven title series ng Gin Kings at Tro­­pang Giga sa Abril 9.

Nagdagdag si Mikey Williams ng 17 points tampok ang apat na tres at may 16 markers si Ro­ger Pogoy para sa Tropang Giga na nagtayo ng 13-point lead sa third period bago nakadikit ang Bolts sa 86-93 sa 6:31 mi­nuto ng fourth quarter.

Sinandigan ng TNT sina Hollis-Jefferson at Williams para iwanang mu­li ang Meralco sa 105-92 sa huling 44 segundo.

Pinamunuan ni import KJ McDaniels ang Bolts sa kanyang 37 points.

Nag-ambag si Aaron Black ng 19 markers, 7 assists at 5 rebounds at may tig-11 points sina Chris Newsome at Chris Banchero.

vuukle comment

PBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with