Pido itinalagang head coach ng UST
MANILA, Philippines — Ipinakilala na si veteran mentor Pido Jarencio bilang bagong head coach ng University of Santo Tomas sa UAAP men’s basketball tournament.
Matamis na magbabalik si Jarencio sa kampo ng UST na minsan na nitong dinala sa kampeonato.
“The job bestowed upon me is difficult, that’s why it’s important for us to build a strong foundation with the players. They must bring that pride in representing UST,” ani Jarencio.
Ipinakilala na si Jarencio nina Rector Fr. Richard G. Ang, OP at Institute of Physical Education and Athletics director Fr. Rodel S. Cansancio, OP kahapon.
Alam ni Jarencio na maraming dapat ayusin sa Growling Tigers upang mas maging malakas ang tsansa nito sa mga darating na season ng UAAP.
May championship experience na si Jarencio sa UST.
Dinala nito ang Growling Tigers sa kampeonato noong 2006. Ngunit iba na ang tropa sa ngayon.
Masaklap ang naging kampanya ng UST sa nakalipas na season ng UAAP kung saan nagtala ito ng 1-13 baraha.
Makakasama ni Jarencio sina team managers Waiyip Chong at Eric Ang, at assistant coaches Japs Cuan, Juben Ledesma, Lester del Rosario, Jeric Fortuna at Jaren Jarencio.
Kaya naman solidong programa ang ilalatag ng Jarencio para muling mapaangat ang UST.
Pasok din sina strength and conditioning coach Reil Vinard Espino, physical therapists RC Cua at Jose Aveluni Vergara, at academic coach Ian Herrera.
Magsisilbi namang team consultant si three-time NCAA champion coach at Northport head coach Bonnie Tan.
“We’re all Thomasians here so I have a huge trust that the team we’re forming will fight for UST until the end,” ani Jarencio.
- Latest