^

PM Sports

E-Painters sumampa sa win column

Russell Cadayona - Pang-masa
E-Painters sumampa sa win column
Kaagad isinalpak ni Leonard Santillan ng Rain or Shine ang kanyang dunk laban kay Blackwater import Troy Williams.

MANILA, Philippines — Nagpasabog ang ba­gong import na si Greg Smith II ng 38 points para akayin ang Rain or Shine sa 122-117 panalo sa Blackwater sa 2023 PBA Governors’ Cup kahapon sa MOA Arena sa Pasay City.

Kumonekta rin si Smith, pumalit kay Michael Qualls, ng limang three-point shots bukod sa 6 rebounds at 5 assists para isampa ang Elasto Painters sa win column sa kanilang 1-4 record.

Nag-ambag si Leonard Santillan ng 16 markers.

“I was kinda worried because he came from a long flight and hasn’t been really competing the last few months,” sabi ni coach Yeng Guiao kay Smith. “I know he’s not in 100 percent shape, but I guess he just proved me wrong and he played his heart out.”

Laglag naman ang Bossing sa ikaapat na dikit na talo para sa 1-5 baraha.

Humabol ang Rain or Shine sa 93-95 sa pagbubukas ng fourth quarter matapos tangayin ng Blackwater ang 95-87 abante sa pagtatapos ng third period.

Nauna nang inilista ng Bossing, nakahugot kay import Troy Williams ng 40 points, ang 10-point lead, 53-43, mula sa triple ni Gab Banal sa 6:09 minuto ng second quarter.

Isang 13-5 atake ang inilunsad ng Elasto Pain­ters para itayo ang 106-100 bentahe sa 7:08 minuto ng final canto tampok ang tres ni forward Nick Demusis.

Huling nakalapit ang Blackwater sa 112-117 galing sa triple ni Baser Amer sa nalalabing 1:02 minuto.

E-PAINTERS

PBA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with