Obiena naka-bronze sa Sweden
MANILA, Philippines — Minalas si Pinoy poler vault star EJ Obiena na makopo ang gold medal matapos pumangatlo sa 2023 Mondo Classic sa Sweden.
Lumundag si Obiena ng 5.91 meters para makunteto sa bronze medal.
Ngunit naduplika ng World No. 6 ang kanyang best performance indoors pati ang Philippine indoor pole vault record noong 2022 Perche Elite Tour.
Tinangka niyang lundagin ang 6.00m at 6.05m, ngunit hindi niya nagawa.
Nanggaling si Obiena sa pagbulsa sa gintong medalya sa nakaraang Perche en Or competition sa Roubaix, France kung saan siya nagtala ng 5.82m.
Kumolekta naman siya ng silver sa International Jump Meeting sa Cottbus, Germany.
Sa Sweden meet ay muling nakaharap ni Obiena ang mga bigating pole vaulters kasama si Swedish Olympic champion Armand Duplantis na umangkin sa gold sa kanyang bagong meet record na 6.10.
Sinikwat ni KC Lightfoot ng United States ang silver sa kanyang 5.91m.
Tinalo niya si Obiena via countback.
- Latest