^

PM Sports

Pinas sumipa ng 4 ginto sa Asian meet

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Magarbong tinapos ng national kickboxing team ang taong ito matapos sumipa ng apat na ginto sa 2022 Asian Kickbo­xing Championships na ginanap sa Bangkok Youth Center sa Thailand.

Mainit na sinimulan ni Jovan Medallo ang ratsada ng Team Philippines sa final day ng kumpetisyon nang angkinin nito ang unang ginto kung saan pinagharian nito ang senior men’s musical forms with weapons.

Nagrehistro si Medallo ng 28.8 puntos para patumbahin si Chinese-Taipei bet Hsuan Wu Chi na nagkasya sa pilak na medalya bunsod ng nakuha nitong 27.8 puntos.

Tumersera naman ang isa pang Chinese-Taipei kickboxer na si Chiu Ta-Ting na nakakuha ng 25.7 puntos.

“I would like to thank Samahang Kickboxing ng Pilipinas for motivating me since from the start and helping me to be at my best. It feels so good to win for your country,” ani Medallo.

Nagpasiklab din si back-to-back Southeast Asian Games gold me­dalist Jean Claude Saclag nang payukuin nito si Chaleamlap Santidongsakun ng host Thailand sa bendisyon ng impresibong 3-0 panalo sa gold-medal match ng men’s low kick -63.5 kgs. class.

Nagdagdag din ng ginto si Renalyn Dacquel na nanaig kontra kay Nitinat Plabplerng ng Thailand sa iskor na 3-0 panalo para mangibabaw sa women’s low kick -48 kgs. category.

Galing naman ang ikaapat na ginto kay Southeast Asian Games champion Gina Iniong Araos na nanalo kay Hsiao Hsin Chi ng Chinese-Taipei, 3-0, sa women’s low kick -60 kgs. event.

Nagpasalamat ang delegasyon kay SKP President Senator Francis Tolentino sa suporta nito sa koponan.

“Thankful to our President and Senator Tol Tolentino for inspiring our kickboxers all the time,” ani Wharton Chan ang  Secretary-General ng Samahang Kickboxing ng Pilipinas (SKP).

Maliban sa apat na ginto, humirit din ang Pinoy kickboxing team ng isang pilak at anim na tansong medalya.

Ang Asian Championships ay isang qualifying event para sa presithiyosong World Kickboxing Championships na gaganapin sa Riyadh, Saudi Arabia.

 

 

vuukle comment

KICKBOXING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with