^

PM Sports

Arellano buhay pa sa Final Four race

Chris Co - Pang-masa
Arellano buhay pa sa Final Four race
Sinagasaan ni Jade Talampas Arellano University para sa kanyang tira si Omar Larupay of Lyceum of the Philippines University sa NCAA.
Russell Palma

MANILA, Philippines — Nasawata ng Arellano University ang Lyceum of the Philippines University sa bendisyon ng kumbinsidong 77-63 panalo kahapon sa NCAA Season 98 men’s basketball tournament sa The Arena sa San Juan City.

Nangibabaw si Cade Flores na tumipa ng 23 puntos mula sa 7-of-12 shooting clip kasama pa ang 8-of-11 sa free throw line para pamunuan ang Chiefs sa ikalimang panalo.

Nakakuha pa si Flores ng 12 rebounds at nakalikom ng pitong steals.

Matamis na resbak ito para sa Chiefs matapos yumuko sa Pirates sa first round ng eliminasyon noong Oktubre 11 sa iskor na 80-82.

“May two games kami, Letran and yung previous game namin sa LPU,  third quarter and fourth quarter, suddenly nagko-collapse. Sabi ko hindi puwedeng mangyari ulit,” ani Arellano head coach Cholo Martin.

Nahulog sa 8-4 marka ang Pirates para manatili sa No. 3 spot sa likod ng College of St. Benilde (8-2) at defending champion Colegio de San Juan de Letran (9-3).  

Mula noon ay hindi na lumingon pa ang Arellano para makuha ang panalo.

Nagdagdag si Axel Doromal ng 18 puntos para sa Arellano na umangat sa 5-6 rekord upang manatiling buhay ang pag-asa nito sa Final Four.

Nagrehistro ang Pirates ng masamang 24 turovers kung saan nakakuha ang Chiefs ng 28 puntos mula sa naturang pagkakamali ng Lyceum.

Mababa rin ang shooting percentage ng Lyceum sa 26-of-69 shooting(37.7%).

Nahulog sa 8-4 marka ang Pirates para manatili sa No. 3 spot  sa likod ng College of St. Benilde (8-2) at defending champion Colegio de San Juan de Letran (9-3).

Umiskor sina JM Bravo at Renz Villegas ng tig-12 puntos para sa Lyceum. 

 

ARELLANO UNIVERSITY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with