Ligiron, Advocacy paborito sa 3YO Maiden Race
MANILA, Philippines — Magsasanib-puwersa ang magkakuwadrang Ligiron at Advocacy para harapin ang pitong katunggali sa 3-Year-Old & Above Maiden Race na ilalarga ngayong araw sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.
Rerendahan nina JA Pastoral at FS Parlocha ang Ligiron at Advocacy, ayon sa pagkakasunod, at inaasahang magiging mahigpit na katunggali ang mga kalahok na Kummander at Grand Majesty sa distansyang 1,400 meter race.
Ang ibang makikipagtagisan ng bilis ay ang Comanche Chief, Handsome Pocket, Es Oh Pee, Favorite Speed at Yachtmaster sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM).
Paniguradong bakbakan ang masisilayan ng mga karerista dahil pakay ng mga paparada sa pista na masikwat ang added prize na P20,000 para sa unang tatawid sa meta.
Samantala, 12 karera ang pakakawalan ng Manila Jockey Club Inc. (MJCI) ngayong araw kaya masaya na naman ang mga karerista.
- Latest