^

PM Sports

Tolentino dinala ang angas sa Batang Pier

John Bryan Ulanday - Pang-masa
Tolentino dinala ang angas sa Batang Pier
Arvin Tolentino

MANILA, Philippines — Bagong koponan pero parehong galing ang ipinamalas ni Arvin Tolentino ng NorthPort matapos hirangin bilang unang Cignal Play-PBA Press Corps Player of the Week ngayong 2022 PBA Philippine Cup.

Humataw ng all-around averages na 19.0 points, 8.0 rebounds, 4.0 assists, 2.5 blocks at 2.0 steals si Tolentino sa kanyang u­nang dalawang laro para sa Batang Pier kahit na kaka-trade pa lang isang araw bago ang opening week ng All-Filipino tourney.

Kabilang sa kanyang ma­gilas na performance ang 47-percent shooting mula sa tres (7/15) upang maging unanimous choice sa PBAPC POW.

Naglipat-bakod si Tolentino sa NorthPort noong nakaraang linggo lang sa isang blockbuster-trade sa Ginebra na nakasentro kay Gilas Pilipinas forward Jamie Malonzo.

At bagama’t saglit lang ang naging training sa bagong koponan ay hindi pa rin napigilan ang dating Far Eastern University gunner sa pagliyab para sa Batang Pier kontra sa Phoenix Super LPG at PBA guest team na Bay Area Dragons.

Tumabo si Tolentino ng kumpletong 16 points, 6 rebounds, 7 assists, 2 steals at 4 blocks sa kanyang unang laro para sa NorthPort, na nakumpleto ang 92-89 comeback win sa Fuel Masters.

Kontra sa Bay Area ay hindi rin nagpasindak si Tolentino nang humakot ng 22 markers at 10 boards kung saan kinapos ang Batang Pier, 104-105.

Sa tulong ni Tolentino ay 2-0 sana ang Batang Pier subalit nadale ng game-winner ni Bay Area guard Myles Powell sa huling segundo.

 

ARVIN TOLENTINO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with