^

PM Sports

White siblings ariba sa World Junior swim meet

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Parehong tumapos sa ikapitong puwesto sina Swim League Philippines standouts Heather White at Ruben White sa kani-kanyang heats sa 8th FINA World Junior Swimming Championships na ginaganap sa Lima, Peru.

Nagrehistro si Heather ng 29.14 segundo para sa No. 7 spot sa Heat 6 ng women’s 50m butterfly na pinagreynahan ni Paulina Cierpialowska ng Poland sa  27.19 segundo.

Pumangalawa si Mizuki Hirai ng Japan na may 27.21 habang pumangatlo naman si Jessica Thompson ng South Africa na nagsumite ng 27.58.

Sa kabilang banda, nasa ikapito rin si Ruben sa men’s 50m freestyle sa Heat 9 matapos maglagak ng 24.41 segundo.

Nasa unang puwesto sa naturang heat si Diego Aranda ng Uruguay (23.67) kasunod sina Arthur Wilson Yuleng Chinese-Taipei (23.77) at Jorden Eaton ng South Africa (23.97).

Pumangalawa naman si Mishka Sy sa Heat 3 ng women’s 200m backstroke kung saan nakapaglista ito ng 2:39.04.

Nagsanib-puwersa naman sina Ruben, Hea­ther, Amina Bungubung at J­oshua Ang sa Mixed 4x100m Free Relay para makuha ang ika-14 puwesto tangan ang bilis na 3:51.04.

Masisilayan pa sa aksyon ang iba pang mi­yembro ng koponang ipinadala ng Philippine Swimming Incorporated (PSI) kabilang na si Philippine national junior record holder Micaela Jasmine Mojdeh.

HEATHER WHITE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with