Bill Russell dedbol na
NEW YORK — Pumanaw kahapon si NBA great Bill Russell, ang cornerstone ng isang Boston Celtics dynasty na nagwagi ng 11 korona, sa edad na 88-anyos.
“Bill Russell, the most prolific winner in American sports history, passed away peacefully today at age 88, with his wife, Jeannine, by his side,” ang official statement sa social media.
Tampok sa 11 NBA championships ni Russell sa Celtics ang walong sunod na dominasyon ng koponan noong 1959 hanggang 1966. Ipinangalan sa kanya ang NBA Finals MVP award.
Nagtala si Russell ng mga averages na 15.1 points at 22.5 rebounds per game sa kanyang NBA career kung saan niya naging karibal si NBA great Wilt Chamberlain noong 1960s.
Siya ang naging unang Black coach sa NBA at unang Black player na iniluklok sa Basketball Hall of Fame noong 1975.
- Latest