^

PM Sports

Lady Altas umukit ng 2nd win

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Kinaldag ng University of Perpetual Help System Dalta ang Emilio Aguinaldo College, 25-21, 25-17, 25-7, para maisukbit ang ikalawang panalo sa National Collegiate Athletic Association (NCAA) Season 97 women’s volleyball tournament kahapon sa Paco Arena sa Maynila.

Bumida sa panalo ng Lady Altas si Razel Aldea na kumana ng 12 puntos habang nagdag­dag naman si Rhose Da­pol ng 11 points at pitong digs.

Nakakuha pa si Janine Padua ng 10 points habang umani sina Charmaine Ocado at Charina Scott ng pinagsamang 13 markers para tumulong sa opensa ng Lady Altas.

Nagawa ito ng Perpetual Help spikers sa tulong ni playmaker Jenny Gaviola na bumanat ng 14 excellent sets kasama si Catherine Lim na nagsumite ng 30 digs.

Umangat ang Lady Altas sa 2-1 baraha habang wala pa ring panalo ang Lady Generals sa tatlong pagsalang.

Nanguna para sa EAC si Krizzia Reyes bitbit ang 11 puntos samantalang naglista si Cathrine Almazan ng anim na hits.

Nakagawa naman si Alex Salvaloza ng 17 digs at 10 excellent receptions.

vuukle comment

LADY ALTAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with