^

PM Sports

Dooley muling gigiyahan ang Azkals

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Balik si veteran American mentor Thomas Dooley bilang head coach ng Philippine Azkals sa mga susunod na international tournaments na lalahukan nito.

Partikular na tututukan ni Dooley ang partisipasyon ng Azkals sa final round ng 2023 AFC Asian Cup qua­lifiers na idaraos sa susunod na buwan sa Mongolia.

Mapapalaban nang husto ang Azkals sa qualifiers dahil makakasagupa nito ang host Mongolia, Yemen at Palestine sa Group B kung saan target ng Pinoy squad na makahirit ng tiket sa AFC Asian Cup proper na gaganapin naman sa susunod na taon.

Unang makakalaban ng Azkals ang Yemen sa Hun­yo 8 kasunod ang Mongolia sa Hunyo 11 at ang Palestine sa Hunyo 14.

Ang mangungunang koponan sa naturang grupo ang awtomatikong makakapasok sa mabigat na 2023 AFC Asian Cup.

 

THOMAS DOOLEY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with