Mendoza bida sa Stage 3
LEGAZPI CITY, Philippines — Inangkin ni Aidan Mendoza ng Go for Gold ang 163-kilometer Stage Three habang patuloy na hawak ni Jan Paul Morales ng Excellent Noodles ang overall lead ng 11th LBC Ronda Pilipinas kahapon dito sa Kalayaan Park.
Nagposte ang 22-anyos na si Mendoza ng bilis na apat na oras at 20 segundo para ungusan sina Excellent Noodles riders Mervin Corpuz at Ryan Tugawin sa final kilometer ng finish line.
Pumasok si Mendoza sa Top 10 sa individual general classification race sa nakuhang aggregate time na 5:33:38.
Nalampasan naman ni Morales, ang Stage One winner, ang pamumulikat para ilista ang overall lead na 5:31:59 at isuot ang red LBC jersey sa 189.1km Legazpi-Daet Stage Four ngayon.
- Latest