Stage 1 at 2 bibitawan ngayon
SORSOGON CITY, Philippines — Muling papadyak ang LBC Ronda Pilipinas matapos mawala ng isang taon dahil sa pandemya sa pagsisimula ng 10-stage race ngayong araw at magtatapos sa Marso 20 sa Baguio City.
Pakakawalan ng annual cycling event ang Stage One 12.3-kilometer Individual Time Trial sa alas-8 ng umaga kasunod ang Stage Two 59.4km Team Trial sa ala-1 ng hapon sa Provincial Capitol at magtatapos sa Rampeolas Boulevard.
Pag-aagawan ng kabuuang 104 riders mula sa 13 teams ang nakalatag na kabuuang premyong P3.5 milyon kung saan ang P1 milyon ay makukuha ng individual champion.
Hangad ni reigning Ronda king George Oconer ang kanyang ikalawang titulo.
Kasama ni Oconer si 2019 titlist Ronald Oranza sa Navy Standard Insurance.
- Latest