Laban ng Pinas sa basketball; laban ng Russia sa sports
Sa unang araw ng aking pagko-column sa ngayong ako ay retired na bilang PM sports editor, ang daming tumatakbong opinion sa utak ko, pero gusto ko munang unahin ang mga current na issues sa panahong ito.
Unahin natin ang epekto ng kasalukuyang ginagawang paggiyera ng Russia sa Ukraine. Siyempre, may effect to sa sports ‘yan.
Nag-impose ng ban ang International Olympic Committee at World Athletics Council sa Russia pati sa Belarus na tumutulong sa kanila sa pagiyera sa Ukraine, sa mga international competitions.
‘Di na pinasali ang Russia at Belarus sa kasisimula lang na Winter Paralympic Games sa Beijing kung saan pinauwi ang kanilang mga atleta.
Bawal din sila sa Football World Cup at Gymnastics World championships.
Alam naman natin na malakas ang Russia sa iba’t ibang larangan ng sports pero kasi siyempre ang purpose, values at principles ng mga sports competitions ay para sa camaraderie, fair play at siyempre, big ‘NO’ ang violence.
Punta naman tayo sa basketball.
Ang dami na namang reaksyon, comment sa Gilas Pilipinas regarding sa kanilang performance sa FIBA-Asia Cup qualifiers kung saan hindi naman na tayo talaga kailangang sumali dahil qualified na tayo sa 2023 World Cup bilang hosts pero sumali ang Gilas squad bilang bahagi ng kanilang preparasyon.
Mahirap kasi talaga ang labang ito ng Pinas sa larong basketball.
Unang factor diyan ay ‘yung height. Kulang talaga tayo sa height. Wala tayong malalaking players na mayroon ang mga powerhouse basketball countries.
Sunod diyan ‘yung basketball program para sa national team. Lagi na lang tayong hugot system tuwing may international competitions. Wala tayong solid team na tini-train ng matagal at ang purpose ay maglalaro lang talaga para sa national team. Lagi na lang last minute ang pagbuo ng team. Pero kasi siyempre, may mga pangarap at pamilyang bubuhayin ang mga players na dapat sanang masama sa team. Karapatan nilang maghanap ng pagkakakitaan ng mas malaking pera.
Naiintindihan ko rin na talagang basketball ang hilig ng mga Pinoy pero kasi napakahirap ng giyerang pinipilit nating labanan.
Napakalaki ng ginagastos at napakatagal pang laban ito ng isang buong team para sa pangarap nating maging successful sa basketball.
Samantalang eto si Hidilyn Diaz na ginastusan din pero, nakapagbigay na ng Olympic Gold medal sa kanyang record breaking performance sa 2021 Tokyo Games at silver medal noong 2016 Rio de Jainero Olympics, gold sa 2020 World Cup, 2019 SEA Games, 2018 Asian Games at 2015 Asian Weightlifting championships.
- Latest