^

PM Sports

Kai ‘di na naman gagamitin ng 36ers

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Sa ikatlong sunod na laban ay hindi uli makakalaro si Kai Sotto para sa Adelaide 36ers sa Australia National Basketball League (NBL).

Hanggang ngayon ay may nararamdaman pa ring knee soreness ang 7-foot-3 Filipino sensation ayon sa injury bulletin ng 36ers kahapon bago ang laban nila kontra sa Tasmania JackJumpers.

Bukod kay Sotto ay hindi pa rin isasalang si Sunday Dech (quadricep), habang maglalaro na si Emmanuel Manuel (knee soreness) para sa Adelaide.

Dadayo ang 36ers sa MyState Bank ARena kontra sa JackJumpers ngayong 4:30 ng hapon.

Nauna nang yumukod ang Adelaide kontra sa Perth Wildcats, 73-85, at sa Illawarra Hawks, 71-81, para sa maalat na 0-2 simula ng kanilang kam­panya sa regular sea­son.

Kabaliktaran ito ng 5-0 pagwalis nila sa NBL Blitz preseason games noong nakaraang linggo tungo sa kampeonato.

Sa naturang torneo ay limitado lang din ang naging aksyon ni Sotto nang maglaro sa isang laban lang dahil din sa knee injury.

AUSTRALIA NATIONAL BASKETBALL LEAGUE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with