^

PM Sports

Mapayapang pag-uusap

POINT GUARD - Nelson Beltran - Pang-masa

Kung hindi maaayos ang gusot at tuluyan ni EJ ­Obiena ang banta na pagreretiro, maliligwak ang potensyal na gold medal para sa bansa sa parating na SEA Games at Asian Games.

Matatapon din ang maaaring isa pang shot ni Obiena sa Olympic glory sa 2014 Paris Games.

Malaking pera na pinagpawisan ni Juan dela Cruz ang ipinondo sa lakbaying ito. At maaari itong lumipad sa hangin dahil sa isyung pinagbabangayan ngayon ng PATAFA at ng kanilang ace pole vaulter.

Ang consensus sa sports circle, may pagkukulang ang PATAFA sa pagha-handle ng gusot na maaari sanang pinag-usapan at plinantsa nila sa loob na lamang ng kanilang organisasyon.

Sa ngayon, nagliliyab ang away na siguradong walang lalabas na panalo.

Talo ang PATAFA, talo si Obiena at talo rin si Juan dela Cruz. Araguy!

Sana eh makatulong ang Philippine Sports Commission sa pakikipag-usap sa dalawang kampo sa layunin na mahilot ang gusot.

Para hindi na lumagablab pa nang husto ang apoy, panawagan ng PSC na iwasan muna ang paglabas ng statement sa publiko at sa social media.

Sana sumunod ang dalawang kampo, at mag-usap ng tahimik at payapa.

CONVERSATION

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with