Gold kay fencer Catantan
MANILA, Philippines — Ipinagpatuloy ni national fencer Samantha Catantan ang kanyang impresibong kampanya sa America matapos kunin ang gold medal sa Garret Open na idinaos sa Penn State University.
Tinalo ni Catantan si Delphine De Vore ng Columbia sa final round ng women’s individual foil event para banderahan ang Penn State.
Tumusok ang 2019 Southeast Asian Games bronze medalist at Penn State sophomore ng 6-0 record sa first round ng pool play, habang may 5-1 card siya sa second round.
Magkakasunod na dinaig ng 19-anyos na dating miyembro ng UE Lady Warriors ang mga karibal fencers para angkinin ang nag-iisang gold medal ng Penn State sa Day One ng torneo.
Pinaghahandaan ni Ca-tantan at ng Penn State ang pagsalang sa bagong US NCAA season na bubuksan ng NC Fencing Championship sa Marso ng 2022.
Hinirang si Catantan na women’s fencing Most Valuable Player ng Penn State sa US NCAA Fencing Championship.
- Latest