^

PM Sports

PBA Player of the Week

John Bryan Ulanday - Pang-masa
PBA Player of the Week
Ian Sangalang
STAR/File

Ian Sangalang - Magnolia

MANILA, Philippines — Muling itinanghal si Ian Sangalang ng Magnolia bilang Cignal Play PBA Press Corps Player of the Week dahil sa kanyang steady performance para sa Hotshots sa umiinit na 2021 PBA Philippine Cup semifinals sa Bacolor, Pampanga.

Ito na ang ikalawang POTW award ni Sangalang ngayong conference matapos ding masikwat ang weekly citation ng PBA Press Corps noong Hulyo, nang sa Pasig City pa nag-lalaro ang liga.

Nagrehistro si Sangalang ng 16.0 puntos at 9.3 rebounds sa tatlong laro noong nakaraang linggo kabilang na ang average na 16.5 markers and 10.5 boards sa kanilang dalawang panalo upang makapagtayo ng higanteng 3-1 series lead kontra sa Meralco.

Tumabo si Sangalang ng 16 points at 10 rebounds sa kanilang 92-78 panalo sa Game 2 bago sumikwat ng 15 markers at pitong boards sa dikit na kabiguan sa Game 3, 91-86.

Sa kanilang 81-69 Game 4 win upang makalapit ng isang panalo nalang mula sa finals, nagpasiklab uli si Sangalang sa 17 puntos at 11 rebounds para sa kanyang ikawalong double-double performance nga-yong conference.

Ang walong double-double ni Sangalang ang ikalawang pinakamarami sa PBA ngayong taon.

vuukle comment

IAN SANGALANG

PBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with