^

PM Sports

Buboy suportado ang kaibigang si Manny

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Suportado ni chief trainer Buboy Fernandez anuman ang naging desis-yon ni People’s Champion Manny Pacquiao sa buhay pulitika nito.

Nagdesisyon si Pacquiao na magretiro upang ituon ang kanyang atensiyon sa pangangampanya.

Nakapagsumite na ng dokumento si Pacquiao sa Comelec sa pagtakbo bilang pangulo sa National Election sa susunod na taon.

“Susuportahan ko siya sa mga plano niya dahil alam ko na maganda ang intensiyon niya para sa bayan natin at sa mga kababayan natin,” wika ni Fernandez.

Nagulat si Fernandez sa biglaang pamamaalam ng eight-division world champion sa mundo ng boksing.

Napanood ni Fernandez ang ilang minutong farewell video ni Pacquiao at inamin niyang halos maiyak ito sa na-ging mensahe ng tinaguriang Pambansang Kamao.

Nagbalik sa alaala ni Fernandez ang matin-ding hirap at pagsisikap na pinagdaanan ni Pacquiao para marating nito ang kasalukuyang estado ng kanyang buhay.

Matagal nang magkasama sina Fernandez at Pacquiao kaya’t alam ng trainer kung ano ang naging buhay ng Pinoy boxer bago pa man nito tamasahin ang tagumpay.

Nais pa sana ni Fernandez na magkaroon ng isang laban si Pacquiao bago tuluyang magretiro.

vuukle comment

BUBOY FERNANDEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with