^

PM Sports

Bledsoe babalik sa Clippers palit sa 3-players

Pang-masa

LOS ANGELES — Ibibigay ng LA Clippers sina Patrick Beverley, Rajon Rondo at Daniel Oturu sa Memphis Grizzlies para sa pagbabalik ni guard Eric Bledsoe sa team, ayon sa sources.

Dahil dito ay makakatipid ang Clippers ng $30 milyon sa luxury tax at magkakaroon ng $8.3 million traded-player exception na magagamit nila ng isang taon.

Huling naglaro sa New Orleans si Bledsoe ngunit napunta sa Memphis noong nakaraang buwan lamang matapos ang three-team trade.

Kinuha ng Clippers ang 31-anyos na si Bledsoe noong 2010 NBA Draft at naglaro ng tatlong taon para sa franchise.

Isang two-time member ng NBA All-Defensive team, inaasahang magkakaroon ng mahalagang papel si Bledsoe sa guard rotation ng Clippers kasama si Reggie Jackson.

Mayroong 16 guaranteed contracts ang Grizzlies kung saan ang ilan dito ay kanilang ite-trade para palakasin ang kampanya sa susunod na season.

Samantala, opisyal nang magbabalik si vete-ran forward Udonis Haslem para sa ika-19 season niya sa Miami Heat matapos pumirma sa isang one-year deal na nagkakahalaga ng halos $2.8 milyon.

Si Haslem ang pang-limang player na ginugol ang buo niyang career sa isang franchise matapos sina Dirk Nowitzki (21) sa Dallas, Kobe Bryant (20) sa Lakers, Tim Duncan (19) sa San Antonio at John Stockton (19) sa Utah.

vuukle comment

ERIC BLEDSOE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with