^

PM Sports

May karera sa MetroTurf

Nilda Moreno - Pang-masa

MANILA, Philippines — Natuwa ang mga karerista sa pahayag ng Metro Manila Turf Club Inc. (MMTCI) na may karera bukas at sa Huwebes na ilalarga sa Metro Turf, Malvar  sa Tanauan City, Batangas.

May karagdagang premyo sa mga races na P100,000 sa unang apat na kabayong tatawid sa finish line kaya tiyak na marami ang sasali.

“MMTCI will have races on August 11 & 12,2021 (Wed&thu). With added prizes of 100k distributed 1st to 4th placer, Sponsored by Philracom.” post sa Facebook page ng MMTCI.

Nalungkot ang mga karerista sa pagtigil ng karera bunga ng pagbabalik ng National Capital Region (NCR)  sa enhanced community quarantine (ECQ) mula Agosto 6 hanggang 20.

Subalit pumayag ang IATF na magkaroon ng karera pero walang mag o-operate na Off-Track Betting stations (OTBs), kaya puro sa online ang tayaan.

Habang nasa ECQ ang NCR, hindi maaaring kubrahin ang winning tickets dahil sarado ang mga opisina ng tatlong Racing Clubs. Ang  mga tumaya sa online lamang ang puwedeng makuha ang panalo via bank deposit.

vuukle comment

METROTURF

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with