^

PM Sports

Watanabe, Ando manonorpresa

Nelson Beltran - Pang-masa
Watanabe, Ando manonorpresa
Kiyomi Watanabe at Elreen Ando.

TOKYO — Sasalang ngayong araw si judoka Kiyomi Watanabe at ang isa pang weightlifter na si Elreen Ando na inaasa-hang makakapanorpresa sa Tokyo Olympic Games.

Lalabanan ni Watanabe, ang four-time gold medalist ng Southeast Asian Games, si Cristina Cabana Perez ng Spain sa round-of-32 ng women’s half middleweight (63 kilograms) division nga-yong alas-10 ng umaga sa Nippon Budokan.

Ito ang Olympic debut ng 24-anyos na Fil-Japanese,  na nagreyna sa SEA Games noong 2013, 2015, 2017 at 2019.

Ang 28-anyos na si Pérez ay tumapos na No. 9 sa World Championships sa Budapest, Hungary kung saan pumuwesto si Watanabe sa No. 19.

Bubuhat naman nga-yon si Ando sa women’s -64-kilogram division ng judo competition para sa ikalawa niyang pinakama-laking torneo matapos ang Asian Championships sa Tashkent, Uzbekistan.

Para sa 2024 Olympic Games sa Paris, France pa sana inihahanda si Ando ngunit kaagad siyang nag-qualify para sa Tokyo Olympics.

“Matapang ‘yang bata na ‘yan, kaya lalaban ‘yan,” sabi ni Samahang Weightlifting ng Pilipinas (SWP) president Monico Puentevella sa 22-anyos na si Ando. “The next Olympics is the target. She would be good for Paris.”

Matapos magtala ng total lift na 201kg noong 2018 Asian Games sa Indonesia ay itinaas ito ni Ando sa 213kg. para sa kanyang silver-medal finish noong 2019 Philippine SEA Games.

Bumuhat din si Ando ng 213kg. para angkinin ang silver medal sa nakaraang Asian Cham-pionships sa Tashkent.

Sasalang din ngayon si Fil-Australian swimmer Gebbi Luke sa  men’s 100m freestyle Heat 5 sa Tokyo Aquatics Center kung saan magtatangka rin si Remedy Rule sa women’s 200m butterfly heat 3 sa dakong alas-6 ng gabi (mga alas-7:00 Manila time).

 

TOKYO OLYMPIC GAMES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with