^

PM Sports

Pang-6 si Guion sa Tokyo Paralympics

Russell Cadayona - Pang-masa
Pang-6 si Guion sa Tokyo Paralympics
Achelle Guion.

MANILA, Philippines — Isama na si Guion para powerlifter sa lima pang atletang kakatawan sa Pilipinas sa Paralympic Games sa Tokyo, Japan sa susunod na buwan.

Ito ang ikalawang pag-lahok ni Guion sa Paralympics matapos noong 2012 sa London.

Bumuhat siya ng silver medal sa women’s 45-kilogram division noong 2018 Asian Para Games sa Jakarta, Indonesia.

Bukod kay Guion ang iba pang tatarget sa kauna-unahang Paralympic gold medal ng bansa ay sina Allain Ganapin (para taek-wondo), Jerrold Mang-liwan (para athletics), Jeanette Aceveda (para athletics), Ernie Gawilan (para swimming) at Gary Bejino (para swimming).

Unang lumahok ang bansa sa Paralympics noong 1988 sa Seoul, South Korea.

Kabuuang 539 events ang nakalatag sa 22 sports sa Tokyo Paralympics na nakatakda sa Agosto 24 hanggang Setyembre 5.

Tiniyak ng Philippine Sports Commission (PSC) na solidong suporta rin ang kanilang ibibi-gay sa Paralympic team kagaya ng 19 national athletes na sasabak sa Tokyo Olympics sa Hulyo 23 hanggang Agosto 8.

Si Pinay powerlifter Adeline Dumapong ang unang nagbigay sa bansa ng Paralympic medal matapos bumuhat ng bronze medal sa women’s 82.5kg. class noong 2000 edition sa Sydney, Australia.

Sumali rin si Dumapong noong 2004 Athens, 2008 Beijing, 2012 London at 2016 Rio de Janeiro Paralympics.

 

PARALYMPIC GAMES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with