^

PM Sports

Labanang Pringle at Parks sa PBA Awards

John Bryan Ulanday - Pang-masa
Labanang Pringle at Parks sa PBA Awards
Stanley Pringle at Ray Parks Jr.

MANILA, Philippines — Pukpukan ang labanan nina Stanley Pringle ng kampeon na Barangay Ginebra at statistical points leader Ray Parks Jr. ng runner-up na TNT Tropang Giga para sa Best Player of the Conference na babandera sa ispesyal na PBA Awards sa Enero 17.

Kasama rin sa listahan ng mga kandidato sina Calvin Abueva at Matthew Wright ng Phoenix, RR Pogoy ng TNT, Christian Standhardinger ng Northport at CJ Perez ng Terrafirma.

Magiging batayan sa BPC, pinakamataas na parangal sa nagdaang single-conference season, ang statistics at boto mula sa players, media at Commissioner’s Office.

Maglalaban  naman sa Outstanding Rookie na pumalit sa Rookie of the Year sina Arvin Tolentino ng Ginebra, Aaron Black ng Meralco,  Aris Dionisio ng Magnolia, Bark-ley Ebona ng Alaska at Roosevelt Adams ng Terrafirma.

Sina Justin Chua at Jason Perkins ng Phoenix, Prince Caperal ng Ginebra, Javee Mocon ng Rain or Shine, Raoul Soyud ng NLEX at Reynel Hugnatan ng Meralco naman ang kandidato sa Most Improved Player.

Dahil sa malaking pagbabago niya, llamado sa Sportsmanship Award si Abueva ng Fuel Masters laban kina Scottie Thompson ng Gin Kings, Gabe Norwood ng Elasto Painters at Kevin Alas ng Road Warriors. Kikilalanin din ang Outstanding Five na pumalit sa Mythical Team.

Nagsimula na ang botohan hanggang Enero 11 para sa mga naturang parangal ng PBA Awards na pumalit pansamantala sa traditional end-of-season awards na Leo Awards at gagawing virtual o online muna dahil sa pandemya sa tulong ng broadcast partner na TV5.

STANLEY PRINGLE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with