^

PM Sports

Liyamadista bulaga sa Calbayog

Nilda Moreno - Pang-masa

MANILA, Philippines — Binulaga ng kabayong Calbayog ang mga liyamadista matapos manalo sa 25th “MARHO Bredeer’s 3-Year-Old Colt & Filly Mile” kahapon sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.

Nagmasid sa tersero puwesto ang dehadong Calbayog habang nagbabakbakan sa unahan ang matutulin at liyamado sa laban na After Party at Radio Gaga.

Sakay si class A rider AR Villegas, bandang far turn nito pinausad ang fourth choice na Calbayog nang masulyapan nitong kumukuha ng unahan ang Radio Gaga.

Pagsapit ng home turn ay naagaw na ng Radio Gaga ang bandera pero nasa likuran naman na niya ang winning horse.

Dalawang kabayo ang abante ng Radio Gaga sa rektahan pero sa huling 100 metro ng laban ay nakuha naman ng Calbayog ang unahan.

Malakas naman ang dating ng Tifosi pero hindi na nito naabutan ang Radio Gaga na nagtala ng oras na 1:43.4 minuto para sa 1,600 meter race.

Nakopo na owner  ng Calbayog na si Benjamin Abalos ang P300,000 na premyo, napunta sa second placer na Tifosi ang P112,500 habang tersero dumating sa meta ang Radio Gaga na nag-uwi ng 62,500.

Dehado rin ang nanalo sa MARHO Breeder’s Sprint race nang maunang tumawid sa meta ang Stardust na sinakyan ni class A jockey Ryan Base.

 

vuukle comment

CALBAYOG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with