^

PM Sports

Lalaking isa lang ang paa na naglalaro ng basketball gustong makilala ni Pingris

Nilda Moreno - Pang-masa

MANILA, Philippines — Natuwa at humanga si Magnolia Hotshots star Marc Pingris sa lalaking iisa lang ang paa na naglalaro ng 3x3 basketball sa kalye sa isang viral na video.

Gustong makita ng 39-gulang na power forward ang lalaking PWD (person with dissability) upang bigyan ng jersey at sapatos kaya nag-post si Pingris sa kanyang Instagram para mahanap ang nasabing lalaki.

“Kong sino man ang nakakakilala sa tao na eto pls naman bigay n’yo name at number n’ya sa akin, DM n’yo po pls gusto ko siyang makilala,,pls! pls! kahit mabigyan ko lang ng sapatos at sando at gusto ko siyang makalaro,” post ni Pingris sa Instagram, may hashtag pang #magkikitarintayosoon.

Mapapanood sa video na pinasahan ang lalaki na isa lang ang paa ng kanyang kakampi, nag-drive pakanan at saka pumihit pakaliwa sabay fade away, swak ang bola at napasigaw naman ng “Bang!” ang kumukuha ng vi-deo. “Magaling talaga maglaro ‘yan.” aniya pa.

 

vuukle comment

PINGRIS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with