Dire-diretso rin si Mark Barroca
SMART CLARK GIGA CITY, Philippines — Hindi lang si LA Tenorio ang Iron Man ng PBA dahil nagpamalas din ng katibayan si Magnolia guard Mark Barroca na sumalang na sa 450-sunod na laro sa pagpapatuloy ng 2020 Philippine Cup restart dito.
Hawak na ngayon ni Barroca ang second-longest streak ng most consecutive games sa PBA sa likod ni Tenorio (651) simula nang pumasok ito sa PBA bilang 5th overall pick noong 2011.
Lalaro bukas sa ika-451 na sunod na game si Barroca para sa Hotshots na hangad ang ikaanim na sunod na panalo kontra sa Blackwater.
*ATENEO REUNION SA PBA BUBBLE-- Tapos ang reunion ng Adamson, FEU at UST, kaya ang Ateneo naman ang nagtipun-tipon sa bubble sa pangunguna nina Meralco coach Norman Black at TNT Tropang Giga deputy Sandy Arespacochaga.
Nagkaroon ng ice cream bonding sa Meqeni Lounge ang Blue Eagle alumnis na standouts na ngayon sa PBA na sina LA Tenorio, Kiefer Ravena, Japeth Aguilar, Chris Newsome, Poy Erram, JC Intal at Justin Chua gayundin ang courtside reporter na si Selina Dagdag-Alas.
“It was a great feeling to have a reunion with former Blue Eagles. The Ateneo family is quite strong in the bubble,” ani Black.
Nauna nang nagtipon sa bubble sina Ginebra assistant coach Olsen Racela (FEU head coach)at Blackwater coach Nash Racela (FEU consultant) kasama ang mga dating Tamaraws at PBA rookies ngayon na sina Arvin Tolentino (Ginebra), Barkley Ebona (Alaska), Wendell Comboy (SMB) at Richard Escoto (Blackwater).
Nagsama-sama din sina SMB mentor at dating Adamson coach Leo Austria, Jericho Cruz (NLEX), Rodney Brondial (Alaska), Don Trollano (Blackwater) at Jansen Rios (Phoenix Super LPG).
- Latest