^

PM Sports

Sari-sari store sa loob ng PBA bubble

Fergus E. Josue Jr. - Pang-masa
Sari-sari store sa loob ng PBA bubble

MANILA, Philippines — Sa dami ng baon nina Beau Belga at Ryan Araña ay para na silang may sari-sari store sa loob ng kanilang kuwarto sa PBA bubble at ang una nilang customer ay ang kanilang Rain or Shine teammate na si James Yap.

Isang araw matapos buksan ang ‘Belga-Araña Sari-Sari Store’ ay nakabenta na si Belga ng tatlong pirasong sabong panlaba sa halagang P350 at dahil galante si Yap ay ‘di na niya kinuha ang sukli sa ibinayad na P1,000.

“Ang galante naman ng bumili sa amin, sana ganito lahat ng bumibili! One thousand pesos!” tuwang-tuwang sigaw ni Belga.

Malaki na sana ang unang kita ng mag-roommate na sina Araña at Belga pero agad bumalik si Yap para bawiin ang ibinayad nitong P1,000.

Tuwang-tuwa ang kap­wa players nila sa ginawang pakulo ng mag-roommate para hindi maburyong habang malayo sa kanilang pamilya.

Tuluy-tuloy na ang pagbabalik ng PBA ngayong Oktubre11, ilang buwan matapos matengga dahil sa pandemya.  

vuukle comment

PBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with