Blackwater cleared na rin
MANILA, Philippines — Isa ang pagsasailalim ng 12 koponan sa coronavirus disease (COVID-19) testing sa mga safety protocols na isinumite ng Philippine BasketballAssociation (PBA) sa Inter-Agency Task Force on Emer-ging Diseases (IATF) na kanilang ipapatupad sakaling payagan na silang ibalik ang naudlot na Season 45.
Nakapasa na rin dito ang Blackwater Elite team na nagnegatibo sa COVID-19.
Sumailalim ang lahat ng players, coaching staff at maging ang mga utilities ng Elite sa testing para sa coronavirus at wala sa kanila ang nagpositibo.
Ginawa ang nasabing COVID-19 testing sa Healthquest laboratory.
Negatibo rin sa virus sina team owner Dioceldo Sy, alternate governor at PBA Board treasurer Siliman Sy at ang iba pang Blackwater officials.
Nauna nang sumailalim sa COVID-19 testing ang mga tropa ng San Miguel Corporation (SMC) at Manny V. Pangilinan (MVP) Group of Companies.
Walang sinumang nagpositibo sa virus sa mga players, coaches at staff ng San Miguel, Barangay Ginebra at Magnolia ng SMC gayundin sa NLEX, Meralco at TNT Katropa ng MVP Group.
Nagpost sa Instagram si KG Canaleta sa kanyang account na kg_canaleta ng kanyang litrato habang nasa clinic pagkatapos niyang magpa-covid test at inihayag ang resulta.
Ito ay may caption na @blackwaterelitebasketball Done Rapid testing for Covid-19.. Thank God, all results are negative.
- Latest