Maraming kinilig sa post ni Fajardo
MANILA, Philippines — Nagpaka-extra sweet si F2 Logistics Cargo Mo-vers main setter Kim Fajardo nang batiin niya ang girlfriend na si Carmela Tunay sa kanyang 25th birthday celebration kahapon.
Cute na couple picture ang shinare ni Fajardo sa Instagram kasunod ang maiksi pero sweet na message para sa kasintahan sa loob ng limang taon.
“We may not be together to celebrate this day but I’m happy I got to spend the first 2 months of quarantine with u. Kinda caught a glimpse of my future there. Isa lang masasabi ko; ang gulo. Jk! Just want to say that I appreciate everything you do and everything about you. I love you! Happy Birthday,” caption ng dating national team member.
Kinilig at pinusuan ng fans ang message ng three-time UAAP champion kasabay ng pagbati sa dating UST stalwart at sa ngayon ay may 11,450 likes na.
- Latest