Bullpups winalis ang Baby Tamaraws para sa UAAP juniors crown
MANILA, Philippines — Napanatili ng National University-Nazareth School ang kanilang perfect season.
Sa pamumuno ni Gilas Pilipinas Youth team Carl Tamayo ay tinalo ng Bullpups ang FEU-Diliman Baby Tamaraws sa Game Two, 87-80, para angkinin ang korona ng UAAP Season 82 boys’ basketball tournament kahapon sa Filoil Flying V Centre sa San Juan City.
Humakot si Tamayo ng 26 points at 22 rebounds para akayin ang NU sa back-to-back titles.
Tinapos ni Tamayo ang kanyang high school career bilang Finals Most Valuable Player.
Nagtala naman si Gerry Abadiano ng 20 points, 5 boards, 5 steals at 4 assists para sa tagumpay ng Bullpups at may 12 markers si Terrence Fortea.
Ang slam dunk ni Kevin Quiambao sa huling 4:12 minuto ng fourth quarter ang nagbigay sa NU ng 81-72 na lumobo pa sa 87-72 sa huling 2:15 minuto ng laro.
- Latest