^

PM Sports

Fajardo inangkin ang ika-6 sunod na MVP

Russell Cadayona - Pang-masa
Fajardo inangkin ang ika-6 sunod na MVP
Si June Mar Fajardo kasama ang mga magulang na sina Bonifacio at Marites sa pagtanggap niya ng PBA MVP trophy.
PM photo ni Jun Mendoza

MANILA, Philippines — Hindi lamang basta-basta entrance ang ginawa ni June Mar Fajardo sa pagpasok niya sa court ng Smart Araneta Colise­um kahapon.

Nakasakay sa isang electric scooter, tinanggap kahapon ng 6-foot-10 San Miguel star center ang kanyang PBA record na ikaanim na sunod na Most Valuable Player award.

Ang pagsakay ng 30-anyos na Cebuano slot­man sa electric scoo­ter ay dahil sa kanyang right leg injury na na­ta­mo niya sa offseason practice ng Beermen bilang preparasyon sa 2020 PBA Philippine Cup.

Dahil sa injury ay hin­di na makakalaro si Fa­jardo sa kabuuan ng sea­son-opening confe­rence na idedepensa ng San Miguel sa ikaanim na sunod na pagkakataon.

Inungusan ni Fajar­do para sa MVP award si­na Fil-German big man Christian Standhardinger ng NorthPort, Columbian rookie CJ Perez at point guard Jayson Castro ng TNT Katropa.

Kinilala naman si Pe­rez bilang PBA Rookie of the Year.

Sina Fajardo at Perez at kasama sina Castro, Standhardinger at Sean An­thony ng NorthPort ang bumuo ng First My­thical Team.

Napasama rin sina Fa­­­jardo, Perez at Antho­ny kina Japeth Aguilar ng Barangay Ginebra at Chris Ross ng San Mi­guel sa PBA All-Defensive Team.

Ang Second Mythical Team ay binubuo nina Aguilar at Stanley Pringle ng Ginebra, RR Pogoy at Troy Rosario ng TNT Katropa at Ian Sangalang ng Magnolia.

Iginawad naman kay Moala Tautuaa ng San Mi­guel ang Most Improved Player award, samantalang ibinigay kay forward Gabe Norwood ng Rain or Shine ang Samboy Lim Sports­manship award.

 

FAJARDO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with