^

PM Sports

Kumpleto na ang Final Four ng PCCL

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Kumpleto na ang Final Four cast ng Philippine Collegiate Cham­pions League (PCCL).

Nakasabit sa semifi­nals ang University of Vi­sayas Green Lan­cers matapos daigin ang CE­SAFI champion na Southwestern University-PHINMA Cobras sa Visayas-Mindanao Cham­pionships na tinagu­riang Escandor Cup sa Lamber­to Macias Sports and Cultural Center sa Dumague­te City.

Winalis ng UV ang Es­candor Cup matapos ang panalo kontra sa Holy Trinity College, 97-79 at Asian College Dumague­te, 86-69.

Matamis na higanti rin ito para sa UV na natalo sa CESAFI Finals.

Bumida para sa Green Lancers sina Michael Mes­tre at Melvin Buto­han na may 15 at 10 points, ayon sa pagkakasu­nod.

Sinamahan ng UV ang UP Maroons, UAAP champion na Ateneo at NCAA runner-up na San Beda sa Final Four ng li­ga.

Nakapasok ang UP sa semis matapos paghari­an ang Luzon Qualifiers, habang ang Blue Eagles naman ang namayani sa NCR meet na UAAP-NCAA Challenge.

Isa-isang tinambakan ng Blue Eagles ang UST Tigers, Letran Knights at San Beda Red Lions.

Nakahabol din ang Red Lions sa PCCL Final Four matapos daigin ang Tigers sa playoffs.

Didribol ngayong ha­pon ang Final Four sa Yna­res Sports Arena.

 

PCCL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with