^

PM Sports

Mahalaga kay Sen. Go ang mga atleta

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Kapakanan ng mga at­leta ang pangunahing na­sa isip ni Sen. Bong Go.

Kaya naman ibubuhos niya ang buong suporta pa­ra maisabatas ang Se­nate Bill No. 193 at Se­nate Bill No. 805 na isinusulong ni eight-division world boxing champion at Sen. Manny Pacquiao.

Layunin ng naturang mga bills na proteksyunan ang mga atleta parti­kular ang mga professio­nal boxers at mga atletang sumasabak sa combat sports.

“I express my full support for the objectives of Senate Bill No. 193 and Senate Bill No. 805. These bills not only aim to strengthen and develop the quality of professional boxing and combat sports in the country but also ensure the protection and welfare of its athletes,” wika ni Go, ang chairman ng Senate Committee on Sports.

Kasama rin sa mga iti­nutulak ni Go ang pagbuo ng Philippine Boxing Commission.

Subalit taliwas naman ang pananaw ni Games and Amusement Board (GAB) chairman Ab­ra­ham ‘Baham’ Mitra sa Phi­lippine Boxing Commission dahil kahalintuad lamang ito ng GAB.

“While we laud the ini­­tiative, feeling namin na­gagawa na namin ang mga gustong gawin at ang mga gusto pang ipagawa sa amin, maaari naman na­ming gawin basta ma­alalayan lang po kami nang konti,” ani Mitra.

Iginiit naman ni Pacquiao na hindi nito kinukuwestyon ang kapasidad ng GAB.

 

ATLETA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with