Coach Acot tiwala sa kakayahan ng tropa
MANILA, Philippines — Kumpiyansa si Beaujing Acot na makakapasok ang kanyang Makati Super Crunch sa North division finals ng Chooks-to-Go/MPBL Lakan Season.
Winalis ng Super Crunch ang Bulacan Kuyas, 2-0, sa kanilang quarterfinals series para labanan ang Manila Stars sa semifinals showdown.
“If we are consistent on defense and communicate on offense, we’ll be able to put up a good fight,” wika ni Acot, sinalo ang iniwang trabaho ni longtime coach Cholo Villanueva sa Makati.
Nagposte ang Super Crunch ng 20-6 record at papasok na sa playoffs nang magbitiw si Villanueva.
Sa quarterfinals ay winalis ng Makati ang Bulacan, 94-88 at 86-78.
“What’s good with the team now is management and coaches and players are working together,” dagdag pa ni Acot.
- Latest